Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Maricar Torres Austria

js prom !!!!!


Ako po si Maricar Torres Austria na ipinanganak sa taong ika-labingsiyam siyamnapu’t tatlo sa buwan ng pebrero at sa araw na ika-labing apat. Ipinanganak ako sa lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna. Ang mga magulang ko ay sina Carlito Hernandez Austria at si Maria Paz Cambarihan Torres Austria, ako ay mayroong dalawang kapatid, sina Katherine Torres Austria at si Arvin Torres Austria. Sila ang dahilan kung bakit ako nagsisikap upang maiahon sila sa kahirapan.
Sabi ng nanay ko noong ipinanganak ako madalas daw akong umiyak lalo na kapag nagugutom, mahilig daw akong dumede. Noong siyam na buwan daw ako medyo natututo na daw akong lumakad, noong simula nag-aalabat pa daw ako pero noong nagtagal nasanay na daw akong maglakad mag-isa. Sabi nila sa bundok ng Makiling daw ako natutong lumakad dahil noon daw ay doon kami napatira sa kadahilanang wanted ang tatay namin. Dahil nadamay siya sa saksakan sa amin dahil umawat siya sa kanila pero siya pa ang napasama. Noong tatlong  taong gulang daw ako bumalik na kami dito sa tinitirhan namin ngayon hanggang isang gabi habang na tutulog kaming mag-anak may dumating na mga pulis at isinama ang tatay namin pero isang araw lang s’yang nakulong dahil napatunayan ng mga pulis na wala talaga s’yang kasalanan. Kaya nalinis ang kanyang pangalan.         
ako at si alona .
                                                                                                                                                                                                                                 Sa pinatayong bahay nila doon kami nagkaisip, noong limang taon ako lagi kaming nasa Tito at Tita namin sa malaking bahay, tuwing darating ang mga pinsan namin lagi nila kaming inaaway at kinukurot kaya pag-uuwi kami lagi kaming may sugat at pasa.Sabi ng magulang namin sa simula palamang talagang mainit ang dugo nila saming magkakapatid. Dahil ayaw daw nila sa nanay namin pero sabi nila huwag na lang daw silang pansinin. Pero siguro dahil din sa kanila kaya tumibay at nag tagal ang pagsasama nila kaya okey na rin. Sa tuwing nasa bahay lang kami lagi kaming tinuturuang magsulat ng nanay namin, kaya hindi pa ako napasok marunong na akong sumulat at tumingin ng oras. Simula pa noon lagi na akong kabuntot ng tatay namin, pero ngayon hindi na gaano dahil pareho na kaming bisi. Noong anim na taong gulang na ako pinapasok na ako sa eskwelahan pero di nagtagal pinatigil ako sa kadahilanang nagkaroon ako ng karamdaman nagkatyphoid fever ako ilang buwan ako sa ospital kaya hindi ako nakapasok ng isang taon. Lagi akong tinuturukan ng kung anu-ano at mga gamut na mapapait, pati dekstros ay palipat-lipat sa litid ng kamay ko dahil laging namamaga ang kamay ko hindi ako nakakakain ng ayos dahil sa sama ng pakiramdam ko. Makalipas ang ilang buwan inilabas na ako sa ospital, sobrang  payat ko noon at lantutay pa dahil hindi makakain at laging nakahiga lamang dahil sa panghihina ng katawan. Tuwing tanghali dahil nga mainit ang panahon lagi akong pinapaliguan ng maligamgam na tubig. Kaya di katagalan tuluyan na akong gumaling. Dahil nga ilang buwan na lang at pasukan na naman sabi ko papasok na ako kaya pumayag naman sila. Dumating nga ang pasukan at handang handa na akong pumasok. Ilang buwan din akong pumasok hanggang isang araw lagging sumasakit ang aking ulo sabi nila dala lang daw ng init ng panahon. Pero habang tumatagal pasakit pa ng pasakit ang ulo ko at kasabay pa nito ang pagdurugo ng ilong ko at pagsusugat ng labi at gilagid ko. Kaya natakot na sila at isinugod na naman ako sa ospital at nalaman nga na meron akong dehgue kaya naconfined na naman ako. Kaya napatigil na naman ako sa pag-aaral. Muntik na akong salinan ng dugo pero buti na lang hindi natuloy. Dito lalong nahirapan ang mga magulang ko lalo na sa pagbabantay sa ospital. Dahil wala ngang magbabantay sa dalawa kong kapatid kaya pinahabilin sila sa Tita namin sa malaking bahay. Akala ko noon mawawala na ako noon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko, pero salamat sa mga magulang ko dahil hindi nila ako pinabayaan. Dahil nga sa naging karamdaman ko dalawang taon akong napahinto sa pag-aaral. Pero ayos lang dahil mahalaga pa rin ang kalusugan natin. Sa karamdamang ito dito ko naramdaman ang matinding hirap at sakit lalo na sa mga oras na nakikita kong nahihirapan din ang mga magulang ko at hindi nila alam ang gagawin lalo na kapag nakikita nila akong naiyak, doon ko naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang tunay na ina at ama. Doon ko rin naisip na mahirap magpalaki ng mga anak lalo na kapag nagkakasakit ang mga ito.
ako at si alyssa ,performance namin sa filipino .

Salamat sa Panginoong Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan kaya naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Noong una akong pumasok, nahihiya pa ako kaya lagi akong binabantayan ng nanay ko, lagi siyang nasa labas ng room naming, pero di nagtagal, natuto na akong mag-isa pero lagi pa rin akong hinahatid at sinusundo ng nanay o tatay ko. Dahil nga malapit lang ang eskwelahan namin umuuwi ako tuwing tanghalian pero minsan dinadalhan kami ng nanay namin ng pagkain. Minsang malakas ang ulan pumasok pa rin ako, hated ako ng nanay ko dahil nga sa taglay kong sipag sa pag-aaral ako lang ang pumasok kasama ang guro ko kaya wala akong ginawa noong tumila na ang ulan, pinauwi na ako ng guro ko at hindi na pinabalik pa. Isang umaga nag-awarding, binibigyan ng ribbon ang outstanding students at napasama nga ako, tuwang-tuwa ang mga magulang ko dahil nakatanggap ako mg ribbon.
Noong nag-recognition, ako ang first honor ng klase naming, nagkaroon ako ng medal kaya lalong nadagdagan ang saya sa puso ko. Kaya nakapasa ako at nakatungtong ako ng grade 2-a noong grade 2 na ako, doon ako nahirapan dahil marami na akong naging kakumpetensya sa klase, hindi lang magaling kundi sobrang galling kaya nawalan na ako ng medalya pero kasama pa rin ako sa outstanding students. Noong malapit na ang graduation namin maghapon kaming nagpapraktis ng kanta at paglalakad para sa pagkuha ng diploma. Noong inanounce ng teacher naming kung sino ang sasabitan ng medal, nagulat ako dahil kasama ako sa sasabitan, kaya sabi bg tatay ko ipaghahanda raw niya ako at bibigyan daw ako ng regalo ng ninang ko. Dumating nga ang graduation namin maaga pa lang sabik na sabik na ako. Pagkakain ng tanghalian, pumunta na kami sa mag-aayos sa akin at dumiretso na sa school. At pagkatapos ng graduation, pumunta ang ninang ko sa amin na dala ang kanyang regalong relo at pinagluto pa ako ng tatay ko. Natapos ang araw na iyon na puno ng saya.
ako kasama sina kris, alona at alyssa .

Makalipas ang graduation naming at sumapit naman ang summer, sobrang init na naman ng panahon kaya laging gumagawa ng halo-halo ang nanay naming at pag minsan napunta ang mga pinsan namin para magyayang mag-swimming. Ayon na rin ang naging dahilan para magsama-sama ulit kami.
Noong  naghighschool ako, dito ako nakakilala ng mga tunay kong kaibigan at ngayon ngang malapit na an gaming graduation, sana ay hindi malimutan ang isa’t isa, saying nga lang dahil kulang kami noong JS sana naging mas masaya kami.
Ngayon nga na ilang araw na lang at graduation day na namin, sana lahat kami ay makagraduate. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang lahat at lagi ko silang kasama sa saya man o lungkot ng buhay naming.
At diyan nap o nagtatapos ang aking talambuhay. Salamat po sa pagbasa.
ANG JAMAG GIRLS !!!!!

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Bryan Carandang

ako ito nung aming j.s
    Ako si Bryan Carandang 15 taong gulang. Ipinanganak noong april 26,1995. Kami ay nakatira villa Antonio,Brgy San Gabriel. Ako ay mahilig maglaro ng basket ball at manood ng television. Ang aking pamilya ay simple lang. minsan may makain minsan ay wala. Pero kahit na ganonang aming kalagayan ay masaya pa rin ako kompleto ang  aming pamilya ay si Yolanda Carandang. Siya ay 47 taong gulang na. Ipinanganak siya noong Oct. 12,1964. Siya ay isang manikyurista. Hindi siya nakapagkolehiyo. Natapos niya ang high school sa LSPU na noon ay kilala sa pangalang trade. hindi na siya nakapag-aral ng college.

           Ang aking ama ay si Nicasio Carandang. siya ay nakatira dati sa  san antonio quezon. Siya ay isang jeepney driver. Siya ay 48 taong gulang na. ipinanganak siya noong april 22,1963. At  ang aking kapatid ay si Janraey  Carandang. Siya ay 14 na taong gulang na. ipinanganak siya noong dec. 31,1996. naiinis ako sa kanya dahil para siyang bakla kung  magkikilos. madalas laming nag-aaway. Natapos na niya ang kanyang pag-aaral sa elementary. Grumaduate siya noong april 1,2009. Siya ay napasok ngayon sa col. Lauro d. dizon memorial national high school. Second year na siya section 2A.

            Nagsimula akong mag-aral noong ako’y 5 taing gulang na,sa day care center ng guandalupe. Kami ay pa noon sa teomora phase 1. Ngunit kami ay lumipat sa villa Antonio phase 1. At hanggang ngayon ay doon pa din kami nakatira. Mahigit 8 taon na kami dito.

            Pag-usapan naman natin ang aking pag-aaral sa elementary at high school. Noong ako ay grade 1 ang nagging guro ko ay si mrs. Glorioso. Ako ay section A. Noon ay natuto kaming magrosaryo. Ang mga nagging matalik kong kaibigan ay sina Edward,romeo at russel. Lagi kaming magkakasama. Ang hindi ko makakalimutang karanasan noon ay nung matali yung bag ko sa upuan. Hindi ko ito matanggal. Umiyak ako noon dahil hindi ako makakauwi.


            Si Mrs. Quinton ang aming naging guro noong ako ay grade 2. Sa kasamaang palad ako ay bumaba ng section. Naging section B ako.  Pero hindi ako nagsisisi dahil nagging Masaya ako ditto. At mas marami akong nagging kaibigan. Wala naman ako masyadong karanasan dito.naging top ako sa aming klase.


            Noong ako ay grade 3 tumaas ulit ang section ko. Ang aking guro ay si mrs. Abril. Nong ako ay grade 4 ang aking guro ay si mrs. Capuno ngunit siya ay nagleave at hindi na bumalik. Kaya ang aming naging guro ay si Mrs. Titular.

            Noong ako ay grade 5 ay si ms. Cafe ang aming naging guro. Tandang tanda ko pa nun gaming Christmas party ay napaiyak naming siya dahil s aming kakulitan. Nagsorry naman kami sa kanya at pinatawad naman niya kami. At naging Masaya ang aming party. Nagkaroon kami noon ng kids prom kung sa high school ay js. At ang aking 1st dance ay si myla alejandrino. Ang pag kain naming noon ay sandwich at coce in can.

            Taong 2006-2007,ang pinaka hinihintaykong taon. Dahil sa taong ito natapos ang aking pag-aaral sa elementary. Ang aking guro noon ay si ms. Belen. Dito ay nag karoon kami ng dear session tuwing byernes ng hapon. Kung saan pupunta kami sa ikalawang palapag ng building at dito ay nagbabsa kami ng mga kwento at kung minsan ay nagsasayawan at nagkakantahan. Nagkaroon ulit kami ng kids prom. ang aking first dance noon ay si dezeree.Noong aming graduation ay nagkaroon ako ng award bilang model pupil ng section naming. At ditto nagtatapos ang aking karanasan sa pag-aaral sa elementary.

nung nagswimming kami


            Taong 2007 ng nagsimula akong mag-aral sa high school. Sa col. Lauro d. dizon memorial national high school. Si mrs. Belen an gaming naging guro noong ako ay 1st year. Ang aking mga matalik na kaibigan ay sina Patrick,mark,hamor,rodnie at eman. Sa kanila ako natutong maggitara.at nagging mababait sila sakin.


            2nd year, dating mga mukha ngunit may mga nadagdag din. Kami kami pa din ang magkakasama. Pag wala kaming klase kami ay nagbabasket ball. Nanalo kami noon sa florante at laura. Ang nagturo samin noon ay si ate gelic. Dahil doon nagkaroon kami ng swimming.

            3rd year, section 3c, ang aming adviser noon ay si mrs. Claverya. Siya rin ang aming math teacher. Ditto ako 1st time makaranas  makasama sa top 10. Third grading nagging top 1 ako sa math. At 1st time din akong makasama sa js. Nagging sobrang saya nito para sakin. Pagkatapos ng js sa bahay nina Patrick kami pumunta at hindi kami natulog.

ang aking pinakamamahal


            2010-2011, ang pinakamagastos na taon para sakin. 4th year section 4b,tumaas ang section ko kaya napalayo ako sa aking mga kaibigan. Ngunit kahit ganun ang nangyari ay naging Masaya pa din ako sa section na ito. At ngayon ay may girl friend ako ang pangalan niya ay Rinalyn Castillo. At mahal na mahal ko sya. Gagwin ko ang lahat para sa kanya. At sana kami ay magtagal pa. siya din ang 1st dance ko noong js at sana makagraduate kaming lahat ngayong graduation.






j.s namin kasama ko ang aking mga barkada
js din namin

 At dito na po nagtatapos ang aking talambuhay. Maraming salamat po sa pagbabasa.

     pahabol.........hehehe...


Kung may mga magagndang bagay na dumating  sakin may mga pagsubok na dumating sa aming buhay. noong  december  16,2010 nagkaroon  ng mildsroke ang aking ama. a pat na araw siyang namalagi sa  ospital. hanggang ngayon ay aniinda pa rin niya ang apekto ng kanyang sakit kaya  hindi pa din siya nakakabiyahe. at dahil don ay minsan nakakaliban kami sa pagkain. ngunit naniniwala ako na malalampasan namin ang pag subok na ito. sisikapinkong makatapos ng aking pag-aaral at tutulungan ko ang aking mgamagulang  upang makaahon sa kahirapan .binabalak kong mag-aral sa lspu. ang kukunin kong course ay information technology o kaya ay bsba. ako ay kumuha ng scholar ni governor E R. kumuha din ako ng SPES. umaasa ako napapasa ako dito dahil ito na lang ang aking pag asa upang makapag aral ako sa college. sa college ay hindi na ako magloloko ako ay mag aaral na ng mabuti. at sisikapin kong mag  karoon ng magandang kinabukasan.

Ang Talambuhay ni Donalyn Rodenas



ako ito noong 5 buwan




Ang pagiging isang ina ay ang isang pinakamahirap na ginagampanan ng isang babae dahil dito ay nararanasan niya ang ibat ibang karanasan lalo na kapag siya ay nagdadalang tao na.At kung minsan lalo silang nahihirapan kapag sila ay maagang mga nag-asawa dahil hindi pa sila handa sa pagiging isang ina .Pero ng magdalang tao na ang aking ina ay nasa husto na siyang edad.Kaya hindi daw siya nahirapan magdalang tao sakin.Ako kasi ang panganay niyang anak.Maraming nagsasabi saking ina nung ako’y pinagbubuntis pa lang niya ay babae raw ang kanyang anak.Sa taon ngang labingsiyam at siyam na pu’t apat (1994),ika-siyam ng buwan ng disyembre,araw ng biyernes,ganap na ikasampu ng umaga isang batang babaeng anghel ang isinilang.Sa Brgy.Sto.Nino.San Pablo City Laguna Philippines.

Bunga ako ng mabuti at magalang na magkabiyak na sina G.Domingo Riego Rodenas tubo sa probinsya ng Marinduque at siGng.Evelyn Suba Vehilla na tubo naman sa Laguna.Mula sa angkang mahihirap ang aking mga magulang.Ang aking ama kasi ay isang magsasaka noong nakilala niya ang aking ina,na isa naming tinder sa KARINDERYA nina TESS PALABOK kung tawagin dito sa SAN PABLO na hanggang ngayon ay doon pa rin nagtatrabaho ang aking ina.Ang trabaho na lang ng aking ina ang bumubuhay dahil walang trabaho ang aking ama dahil wala namang palayan dito SAN PABLO.Umalis na rin kasi ang aking ama sa isang talyer sa bayan na kung saan dati siya ay nagtatrabaho.

Dalawa kaming magkapatid.Ako nga ang panganay at ang bunso naman ay lalaki na si DANDREN VEHILLA RODENAS.Kasalukuyang nasa edad na labing tatlong taon(13).Mataas pa sakin ang aking kapatid,katunayan nga kapag kami ay nag-aaway ay lagi akong talo o lagi niya akong napapaiyak.Tugis ang kapatid ko.Sa ngayon hindi na siya nag-aaral dahil ayaw na niyang mag-aral dahil kasi tamad siya.Naaawa nga ako sa kapatid ko dahil ayaw na niyang mag-aral paano na ang kanyang kinabukasan wala namang ipapamana sa amin an gaming magulang.Kaya ako pinipilit kong makatapos para ng sa gayon pagkailangan niya ng tulong ay nasa tabi niya lang ako.

ako at ang chairman namin noong gumagraduate ng kinder

Ako si DONALYN VEHILLA RODENAS.Nagmula ang pangalan ko sa pangalan ng aking ama’t ina .Isang taong gulang pa lang ako ay lagi na akong kinukuha ng tita ko sa aking mga magulang.Si mommy ang nagpalaki sakin hindi “TITA,TIYA,o AUNTIE’’ ang tawag ko sa kanya bagkus ay ‘’mommy ‘’(nagpalaki sakin) dahil siya ang nagpalaki sakin.Tatlong taon gulang na ako noong nag-asawa ang aking mommy(nagpalaki sakin) nakikinig sa kwento niya ay sinisisi ako ng kanyang asawa dahil pango ang naging anak nila,kasi noong pinagbubuntis ang kanilang anak ay lagi raw kasi akong binubuhat ni mommy kaya daw naging pango ang ilong ng kanilang anak ‘’Hhmpp di nga”.Close kaming magpinsan daig pa nga naming magkapatid .Nag-iisa anak ang pinsan ko.Ang pinsan ko ngayon ay kasalukuyang nag-aaral na din at HIGH SCHOOL na rin.           
                                                                                                                                                                      Anim na taong gulang na ako ng nagsimula akong mag-aral ng DAYCARE sa aming Brggy. DAYCARE CENTER kung tawagin iyon noon.Maganda ang performance ko noong ako ay DAYCARE dahil nakatago pa nga ang mga testpaper ko na puro 100% ang mga marka ko.Nagtapos nga ako ngDAYCARE ng may parangal di nko nga lang tanda ang tawag sa award na iyon ,pero sabi ng aking ina ay 1st honor daw ako.Ginanap ang aking graduation noong DAYCARE sa GYM ng CENTRAL na noon ay bago pa lang natatapos gawin.Nandoon ang MOMMY (nagpalaki sakin) kasama ang kanyang anak na pinapanuod ang aking graduation day.                      

Nagpatuloy ang pag-aaral ko sa paaralan ng STO.NINO ELEM.SCHOOL.Grade 1 ako noon ng naospital ang aking ina sa dahilanang nakunan siya sa pinaka bunso kong kapatid.Malungkot ako kasi hindi ko tunay na ina ang nag-aasikaso sa aking kapag papasok ako.Bagkus ay ang aking MOMMY.Masipag naman akong mag-aral pero na akong natanggap na parangal noong ako ay nasa unang baiting.Grade2-3 halos wala naman akong matandaang mga nangyari sa akin,basta ang alam ko lang ay tuwang-tuwa ang guro ko sa ikalawang baiting dahil ang bait ko daw.Noong grade 3 naman ako ay napuri pa ako ng guro ko dahil ang linis ko raw sa mga gamit.Grade 4 na ako kasalukuyan na ring pumapasok ang kapatid ko ng grade 1 sa paaralang din yon.

Maraming nagsasabi sakin na magkaiba daw kaming magkapatid,para nga raw kaming hindi magkapatid dahil ang tugis nga ng kapatid ko.Ang guro ko kasi ang naging guro din ng kapatid ko kaya lagi kaming pinagkukumpara.Sa taon ngang ito ay nagkaroon muli ako ng award pero di naman mataas,ACHIEVERS nga lang eh…pero ayos na rin kesa wala.Grade 5 ako ng nauso sa paaralan naming ang mga canteener, kami ang kauna-unahang batch ng canteener tuwang-tuwa sa akin ang guro ko kapag siya ay nagpapatalop ng mga lahok ng mga kanyang lulutuin dahil ang linis ko daw gumawa.Sa taong ring ito ay biglang bumaba ng napakababa ng mga marka dahil nalulong sa panunuod ng tv.

Nawala na naman ang award ko.Grade 6 na ako ang nakakalungkot na baitang para sakin kasi ito na yung huling taon na magkakasama kaming mga magkakabarkada. Natatandaan ko na napagalitan ako ng aking guro kasi late na akong pumasok gawa ng pagcacanteener ko simula na noon ay hindi na ako masyadong nagtatagal sa canteen at hindi na rin masyadong naglilinis ng canteen.UNang praktis namin ng graduation day ng ako ay napaluha kasi kakaiyak talaga ang kanta naming noon.Pero noong na araw na talaga hindi na ako napaiyak syempre sanay na ata na ako at muling ulit akong nagka-award ACHIEVER nga lang ulit.
f ieldtrip namin kasama ko ang mga friends ko!!
Happy happy kaming mga friends ko

 Nang papasok na ako ng HIGH SCHOOL syempre masaya ako kasi sa pagkakaalam ko ang HIGH SCHOOL ay lagi na lang HALF DAY subalit ng batch na namin ay biglang nag whole day,nakakalungkot isipin pero kailangang sundin para na rin naman sa ikabubuti ng aming kinabukasan.Ngayon nga ay kasalukuyan nag-aaral sa paaralang COL.LAURO D. DIZON MNHS na kilala dati sa tawag na ANEX 5 pero ngayon ay kilala na siya sa tawag na DIZON HIGH.Nasa ikaapat na antas na ako sa seksyon B.Para sakin ang pagiging isang 4th year student  ay mahirap bagkus ito ay masaya at enjoyable.Ang year level na ito ay an gang hinding hindi malilimutan dahil sa maraming activity iba’t-ibang experiences meron diyang science camp at ang isa pa diyan ay ang mini Olympics na 4th year student lang ang nakakaranas na hinding hindi naman inaalis ni G.Victorio.
cheerdance namin(champion kami)

Nakapaloob sa mini Olympics ang CHEER DANCE na kung san kapag hindi ka nakapagcheerdance ay hindi ka makakapaglaro ng anumang uri ng sports.Hinding hindi ko makakalimutan dahil ang grupo o seksyon naming ang nagkamit ng parangal.Marami pang activity ang naganap hindi ko na iisa-isahin pa dahil ang hirap eehh!!!!!.Pero masaya talaga ang 4th year sa DIZON HIGH.Hinding hindi ko malilimutan ang saya na ibinigay sa akin ng paaralang DIZON HIGH.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Jamai- Ann D. Altar


Larawan ito nung ako ay 10 months pa lang.
Sa Barangay ng Sta. Veronica may isang liblib na lugar na tinatawag na ilaya. Doon ipinganak ang nagngangalang Jamai- Ann D. Altar. Hango ang pangalan ko sa salitang Jamaica. Noong Hulyo 3, 1994 sa ganap na alas-dos ng madaling araw. Nahirapan ang ina ko sa panganganak sa akin dahil sa kulang pa ang kagamitan at malayo pa ang pagitan ng mga bahay. Bunga ako ng matamis na pagmamahalan nina Jaime Altar at Anabella Altar. Ako ay pang-apat sa limang magkakapatid. Ang dalawa kong nakatatandang kapatid ay si Jerwin at Jennelyn, sila ay pareho ng may asawa at tig-isang anak. Ang sumunod ay si Joana nag-aaral ng kolehiyo nang kursong I.T. Si Jaymee ang nakababata kong kapatid na nag-aaral naman sa sekondarya.

        Pinag-aral ako ng magulang ko ng Kinder sa Barangay din namin. Tuwing inihahatid ako ng aking ina sa silid-aralan ayaw ko siyang umalis sa aking tabi. Palagi akong umiiyak kapag ako ay kanyang iniiwan sa loob, kaya hinahabol ko siya at hindi na ako nakakapasok sa talakayan. Sa araw-araw na pangyayari napagpasiyahan ng mga magulang ko na huminto na lang ako. Nahihirapan na din kasi siyang maghatid sundo sa akin. Malayo din kasi ang nilalakad namin bago makarating sa paaralan. Pero nakapanghihinayang din dahil malapit na ang araw ng pagtatapos.

Larawan kasama ang aking nakababatang kapatid

        Makalipas ang isang taon, pinapasok na muli ako sa paaralan. Hindi ko na itinuloy ang Kinder nag-enrol na agad ako sa unang baitang. Hindi na ako tulad ng dati na palaging umiiyak. Tinanggap naman ako ng guro na si Gng. Vivian Odiame. Siya ang gurong tagapayo ng unang baitang. Masaya magturo, mabait at nakikipagbiruan.

Tuwing bakante kami sa klase siyempre ang karaniwang gingawa ng mga bata ang paglalaro. Hindi maiiwasan ang pagkakasakitan at pag-aaway. Kapag tanghalian na sabay-sabay kaming umuuwi na mga magkakaibigan. Kami ay sampung magkakabarkada, sila Janica, Maria Ana Rose at Cherie ang madalas kong nakakasama bukod pa sa pagiging kaibigan ay pinsan ko din sila. At ang iba pa ay sila Sandra, Mary Jane, Lorie, Maureen, Janine, at ang tanging lalaki ay si Jon Raldwin.

Sa pag-awas naman sa hapon ang buong klase ay naglalaro sa cover court. Ang pangkaraniwang laro ng mga bata ay sikyo, sipa, chinese garter at iba pa. Pagkatapos nito ang sabay-sabay na paglakad sa pag-uwi sa bawat tahanan. Ako ang pinakamalayong bahay sa kanila dahil looban pa at magubat ang daraanan. 

Minsan ginagabi ako ng pag-uwi dahil hinihintay ko pa si papa galing biyahe bilang jeepney driver. Madalas itong nakakainom ng alak. Nakaranas ako na napaaway siya dahil sa hindi pagkakaunawaan. Natakot ako noon dahil bata pa ako para makakita ng ganoong pangyayari. Buti na lamang at andun pa ako sa mga tiyahin ko para tulungan sa ama ko na makauwi kami sa bahay.

Sa pagdating ng bahay kakain na lamang ito at matutulog. Mabuti na yung ganito upang maiwasan ang pag-aaway ng mag-asawa. Kapag may programa sa paaralan sumasali ako dito at pinapayagan naman nila ako na dumalo sa amin pagpapraktis. Masaya ito dahil nagkakaroon ng bonding ang grupo namin. Halos lahat sa amin ay marunong at mahilig magsayaw.


Larawang nagpapakita ng mga gawain ko nung ako ay maliit pang bata

Tuwing sabado kami nagpapraktis sa bahay nila Janica. Kapag wala pa ang iba, sinusundo namin ang mga ito upang payagan din sila ng kanilang mga magulang. Tinuturuan kami ng kapatid niya. Kapag may oras pa ginugugol namin ito sa paglalaro.

Nagkaroon kami ng bagong kaklase na galing sa ibang paaralan, siya ay si Alvin. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng paghanga sa kanya dahil sa angkin nitong talino. Dumating ang araw na nagkaaway kami dahil sa niloko ko siya hindi ko naman inaasahan na mapipikon siya. Napatawag tuloy ang kanyang ama. Hiya ang naramdaman ko nun kasi kababae kong tao ako pa ang pasaway. Nakaayos din naman kami.

Nagkasakit ako noong labing isang taong gulang palang. Nananakit ang tiyan ko at nangangati ang buong katawan. Sa tindi ng nararamdaman ko hindi ko na nakayanan. Dinala na ako ng magulang ko sa ospital. Tumagal ako dito ng ilang araw. Naobserbahan ng mga doktor na may sibol ako. Sa bawat pagkamot ko ay namamantal ito ng malalaki at kumalat na sa buong katawan. Tinawag nila itong imon- imon.

Nakakainip, nakakalungkot ang nararamdaman ko sa loob ng hospital. Kaya ng ibinalita ng doktor na pwede na akong lumabas lubos akong nasiyahan dahil namimis ko na din ang mga kapatid ko at mga kaibigan. Tinulungan naman kami ng lolo ko para makabayad ng bill sa hospital. Nakabawas pa ang philhealth ng magulang ko kaya madali akong nakalabas dito.

May ilang araw din akong liban sa klase, maraming kailangan habuling leksiyon. Tinulungan naman ako ng mga kaibigan ko para lubhang maunawaan ang nakalipas na aralin. Kaya naman nakatulong ito ng malaki para ako’y makapasa at nakatungtong ako sa ika-anim na baitang. Sinusulit na naming magkakaibigan ang bawat araw dahil sa nalalapit na pagtatapos.

Nararamdaman namin na ang araw ay bumibilis. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng pagtatapos. Masaya kami dahil nakaakyat na kami sa entablado at nakatanggap ng diploma. Pero nakakalungkot din dahil magkakahiwa- hiwalay na kami, magkakaibang paaralan ang papasukan at minsan-minsan lang magkakatagpo. Ngunit bago matapos ang araw na ito, nagpunta kami sa bahay nila Sandra upang magdiwang. Naging masaya ang araw na ito para sa lahat.

4th Year High School, kuha ang larawan na ito nung Field Trip namin.
Sa paglipas ng ilang buwan nag-enrol na ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School (CLDDMNHS) upang makapasok ng unang taon ng sekondarya. Kinakabahan ako sa unang pasok ko dito bukod sa maraming estudyante mukang mga istrikto ang mga guro. 

Nahirapan din akong humanap ng mga kaibigan sapagkat wala pa akong masyadong kakilala. Buti na lamang dito din pumasok si Lorie, sabay kaming umuuwi at sumasakay ng dyip. Hindi ko pa kasi alam kung saan ang paradahan. Nakakapanibago ang mga bagay na ito para sa akin. Ito ang naging dahilan upang ako’y matuto sa lahat ng bagay. Malaki talaga ang pagkakaiba ng elementary sa sekondarya. 
                                         
 Sa sekondarya kasi hindi ka pwede maging pa easy- easy. Kapag ganito ang ginawa maari kang bumaba ng seksiyon. Mahirap kasi ang ganun panibago na namang pakikitungo sa dami ng mga kaklase.
Larawan ng ako ay nasa Sekondarya

Nagkaroon ako ng bagong kaibigan ngayong sekondarya. Sila ay si Catherine, Rubilyn at Sherilyn. Sila ang nakakasama ko noong ako ay nasa ikalawa at ikatlong taon. Naging Masaya din naman ako na nakilala ko sila at naging parte ng aking buhay. May mga pangyayari noong kami ay nasa ikatlong taon. Ang buong klase ay nagkaroon ng rekord sa guidance office. Sa kadahilanang kami ay nag-cutting classes. Naging aral ang pangyayaring ito sa lahat.

Siyempre dumadating ang buwan ng Pebrero. Ang inaasahan ng isang kabataan na maranasan ang pagdiriwang ng “JS Prom”. Sa una nakakasabik pero kapag hayan na parang ordinaryong araw lang din. Ang mahalaga naranasan ko ang dumalo sa ganitong handaan. Nakabonding ko ang buong klase at naging alaala sa akin.

Ngayon nasa ika-apat na taon na ako muli nahiwalay na naman ako sa mga kaibigan ko. Dahil bumaba ang kanilang seksiyon. Pero kahit na ganun hindi napuputol ang pagkakaibigan namin. Nagkikita- kita pa naman kami araw-araw. Sa ngayon si Kris ang nakakasama ko, galing siya sa ibang seksiyon. Nagkasundo agad kami.

Maraming aspeto ang nagbago sa akin tulad ng sa pisikal, bahagi dito ang pagkakaroon ng buwanang dalaw. Nahuhubog dito ang hugis ng katawan, pagkakaroon ng dibdib at pagtangkad. At nagiging maayos sa pananamit, malinis sa katawan. Sa aspetong sosyal, natuto akong makisalamuha sa lahat ng tao na aking nakakausap kahit na may iba’t iba tayong pag-uugali.
Ito ang aking larawang kuha sa aming simbahan.


Napagtanto ko ang pinakamahalagang aspeto, ang ispiritwal. Dahil simula ng makilala ko si Kristo at tinanggap ko bilang tagapagligtas ng aking buhay. Natuto na akong manampalataya sa Diyos. Kaya sa bawat problemang aking tinatahak ito’y aking nalalampasan. Sapagkat buhay ang pangako ng Diyos na di niya tayo iiwan o pababayaan man. Wala siyang ibibigay na pagsubok na hindi natin kakayanin. Unti-unti niyang binago ang masasama kong pag-uugali. Sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko simula ng pagkabata hanggang sa kasalukuyan ako’y kanyang pinatawad. Kaya ngayong nagkasakit ang ama ko at dinala siya sa hospital hindi ako nawalan ng pag-asa. Dahil may Diyos na tutugon sa bawat panalangin kung tayo’y mananalig ng husay sa kanya.

Kaya papuri at pasasalamat ang handog ko sa Panginoon. Ipinakita ko ito sa pamamagitan ng paglilingkod ko sa kanya. Sa paraang pananalangin, pagsunod sa kanyang kalooban. Sa pagpapagamit sa simbahan ng Jesus the Lord of Glory Christian Fellowship bilang isang tambourine dancer.

Alam kong ito ang paraan para maging masaya ang Panginoon. Dito ko din  maipapakita ang pagmamahal ko sa kanya. Tulad ng ibinigay niyang pagmamahal sa akin, maging sa aking pamilya. Kahit na tayo ay makasalanan pwede niya tayong patawarin, tanggapin lang natin siya bilang tagapagligtas at maging hari ng ating buhay. Tulad ng aking ginawa.

Hindi ko naman makikilala ang Diyos kung hindi niya ginamit ang mga kapatiran ko sa Panginoon ngayon na sila Ate Yam, Ate Lay, Pastora, Kuya Pao, Kuya Vel at marami pang iba. Sobra akong nagagalak na nakilala ko din sila. Dahil maliban sa Panginoon sila din ang nagpapalakas sa akin sa ispiritwal na pangangailangan ko. Lalo pa nilang ipinapakilala kung gaano kadakila at kahalaga sa buhay natin ang Panginoon. Kaya ipinagpapatuloy ko ang paglilingkod ko sa ating Diyos.

Ito ang mga alaala ng mga karanasan ko sa buhay na nangyari mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Na nagiging inspirasyon ko ngayon para magpursigi at magpatuloy sa buhay. Karanasang hindi malilimutan at babaunin habang ako’y nabubuhay.