Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Maricar Torres Austria

js prom !!!!!


Ako po si Maricar Torres Austria na ipinanganak sa taong ika-labingsiyam siyamnapu’t tatlo sa buwan ng pebrero at sa araw na ika-labing apat. Ipinanganak ako sa lungsod ng San Pablo sa lalawigan ng Laguna. Ang mga magulang ko ay sina Carlito Hernandez Austria at si Maria Paz Cambarihan Torres Austria, ako ay mayroong dalawang kapatid, sina Katherine Torres Austria at si Arvin Torres Austria. Sila ang dahilan kung bakit ako nagsisikap upang maiahon sila sa kahirapan.
Sabi ng nanay ko noong ipinanganak ako madalas daw akong umiyak lalo na kapag nagugutom, mahilig daw akong dumede. Noong siyam na buwan daw ako medyo natututo na daw akong lumakad, noong simula nag-aalabat pa daw ako pero noong nagtagal nasanay na daw akong maglakad mag-isa. Sabi nila sa bundok ng Makiling daw ako natutong lumakad dahil noon daw ay doon kami napatira sa kadahilanang wanted ang tatay namin. Dahil nadamay siya sa saksakan sa amin dahil umawat siya sa kanila pero siya pa ang napasama. Noong tatlong  taong gulang daw ako bumalik na kami dito sa tinitirhan namin ngayon hanggang isang gabi habang na tutulog kaming mag-anak may dumating na mga pulis at isinama ang tatay namin pero isang araw lang s’yang nakulong dahil napatunayan ng mga pulis na wala talaga s’yang kasalanan. Kaya nalinis ang kanyang pangalan.         
ako at si alona .
                                                                                                                                                                                                                                 Sa pinatayong bahay nila doon kami nagkaisip, noong limang taon ako lagi kaming nasa Tito at Tita namin sa malaking bahay, tuwing darating ang mga pinsan namin lagi nila kaming inaaway at kinukurot kaya pag-uuwi kami lagi kaming may sugat at pasa.Sabi ng magulang namin sa simula palamang talagang mainit ang dugo nila saming magkakapatid. Dahil ayaw daw nila sa nanay namin pero sabi nila huwag na lang daw silang pansinin. Pero siguro dahil din sa kanila kaya tumibay at nag tagal ang pagsasama nila kaya okey na rin. Sa tuwing nasa bahay lang kami lagi kaming tinuturuang magsulat ng nanay namin, kaya hindi pa ako napasok marunong na akong sumulat at tumingin ng oras. Simula pa noon lagi na akong kabuntot ng tatay namin, pero ngayon hindi na gaano dahil pareho na kaming bisi. Noong anim na taong gulang na ako pinapasok na ako sa eskwelahan pero di nagtagal pinatigil ako sa kadahilanang nagkaroon ako ng karamdaman nagkatyphoid fever ako ilang buwan ako sa ospital kaya hindi ako nakapasok ng isang taon. Lagi akong tinuturukan ng kung anu-ano at mga gamut na mapapait, pati dekstros ay palipat-lipat sa litid ng kamay ko dahil laging namamaga ang kamay ko hindi ako nakakakain ng ayos dahil sa sama ng pakiramdam ko. Makalipas ang ilang buwan inilabas na ako sa ospital, sobrang  payat ko noon at lantutay pa dahil hindi makakain at laging nakahiga lamang dahil sa panghihina ng katawan. Tuwing tanghali dahil nga mainit ang panahon lagi akong pinapaliguan ng maligamgam na tubig. Kaya di katagalan tuluyan na akong gumaling. Dahil nga ilang buwan na lang at pasukan na naman sabi ko papasok na ako kaya pumayag naman sila. Dumating nga ang pasukan at handang handa na akong pumasok. Ilang buwan din akong pumasok hanggang isang araw lagging sumasakit ang aking ulo sabi nila dala lang daw ng init ng panahon. Pero habang tumatagal pasakit pa ng pasakit ang ulo ko at kasabay pa nito ang pagdurugo ng ilong ko at pagsusugat ng labi at gilagid ko. Kaya natakot na sila at isinugod na naman ako sa ospital at nalaman nga na meron akong dehgue kaya naconfined na naman ako. Kaya napatigil na naman ako sa pag-aaral. Muntik na akong salinan ng dugo pero buti na lang hindi natuloy. Dito lalong nahirapan ang mga magulang ko lalo na sa pagbabantay sa ospital. Dahil wala ngang magbabantay sa dalawa kong kapatid kaya pinahabilin sila sa Tita namin sa malaking bahay. Akala ko noon mawawala na ako noon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko, pero salamat sa mga magulang ko dahil hindi nila ako pinabayaan. Dahil nga sa naging karamdaman ko dalawang taon akong napahinto sa pag-aaral. Pero ayos lang dahil mahalaga pa rin ang kalusugan natin. Sa karamdamang ito dito ko naramdaman ang matinding hirap at sakit lalo na sa mga oras na nakikita kong nahihirapan din ang mga magulang ko at hindi nila alam ang gagawin lalo na kapag nakikita nila akong naiyak, doon ko naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang tunay na ina at ama. Doon ko rin naisip na mahirap magpalaki ng mga anak lalo na kapag nagkakasakit ang mga ito.
ako at si alyssa ,performance namin sa filipino .

Salamat sa Panginoong Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan kaya naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Noong una akong pumasok, nahihiya pa ako kaya lagi akong binabantayan ng nanay ko, lagi siyang nasa labas ng room naming, pero di nagtagal, natuto na akong mag-isa pero lagi pa rin akong hinahatid at sinusundo ng nanay o tatay ko. Dahil nga malapit lang ang eskwelahan namin umuuwi ako tuwing tanghalian pero minsan dinadalhan kami ng nanay namin ng pagkain. Minsang malakas ang ulan pumasok pa rin ako, hated ako ng nanay ko dahil nga sa taglay kong sipag sa pag-aaral ako lang ang pumasok kasama ang guro ko kaya wala akong ginawa noong tumila na ang ulan, pinauwi na ako ng guro ko at hindi na pinabalik pa. Isang umaga nag-awarding, binibigyan ng ribbon ang outstanding students at napasama nga ako, tuwang-tuwa ang mga magulang ko dahil nakatanggap ako mg ribbon.
Noong nag-recognition, ako ang first honor ng klase naming, nagkaroon ako ng medal kaya lalong nadagdagan ang saya sa puso ko. Kaya nakapasa ako at nakatungtong ako ng grade 2-a noong grade 2 na ako, doon ako nahirapan dahil marami na akong naging kakumpetensya sa klase, hindi lang magaling kundi sobrang galling kaya nawalan na ako ng medalya pero kasama pa rin ako sa outstanding students. Noong malapit na ang graduation namin maghapon kaming nagpapraktis ng kanta at paglalakad para sa pagkuha ng diploma. Noong inanounce ng teacher naming kung sino ang sasabitan ng medal, nagulat ako dahil kasama ako sa sasabitan, kaya sabi bg tatay ko ipaghahanda raw niya ako at bibigyan daw ako ng regalo ng ninang ko. Dumating nga ang graduation namin maaga pa lang sabik na sabik na ako. Pagkakain ng tanghalian, pumunta na kami sa mag-aayos sa akin at dumiretso na sa school. At pagkatapos ng graduation, pumunta ang ninang ko sa amin na dala ang kanyang regalong relo at pinagluto pa ako ng tatay ko. Natapos ang araw na iyon na puno ng saya.
ako kasama sina kris, alona at alyssa .

Makalipas ang graduation naming at sumapit naman ang summer, sobrang init na naman ng panahon kaya laging gumagawa ng halo-halo ang nanay naming at pag minsan napunta ang mga pinsan namin para magyayang mag-swimming. Ayon na rin ang naging dahilan para magsama-sama ulit kami.
Noong  naghighschool ako, dito ako nakakilala ng mga tunay kong kaibigan at ngayon ngang malapit na an gaming graduation, sana ay hindi malimutan ang isa’t isa, saying nga lang dahil kulang kami noong JS sana naging mas masaya kami.
Ngayon nga na ilang araw na lang at graduation day na namin, sana lahat kami ay makagraduate. Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang lahat at lagi ko silang kasama sa saya man o lungkot ng buhay naming.
At diyan nap o nagtatapos ang aking talambuhay. Salamat po sa pagbasa.
ANG JAMAG GIRLS !!!!!

No comments:

Post a Comment